Welcome, partners! Join us in an exciting experience with Home Credit.

We need Mystery Shoppers to help Home Credit evaluate and improve the quality of the company's services in your area.

Ano ang role ng isang Mystery Shopper?

Ang mga Mystery Shoppers ay inaassign sa iba't ibang lugar para magpanggap na normal customers ni Home Credit. Sila ay kumakausap sa mga sales agents para mag-apply ng loan, mag-observe sa application process, at magsubmit ng online reports sa mga Mystery Shopping Coordinator.

Exclusive Perks Just For You:

  • Online Training with Allowance
    Online Training with Allowance
    Nasaan ka man, pwede kang mag training at may allowance ka pang makukuha after 1 visit!
  • Hustle more, earn more
    Hustle more, earn more
    1 Evaluation at 1 Recording lang ang isusubmit per visit at ikaw ay babayaran na! Mas maraming visit, mas malaking kita!
  • Bonus Payments
    Bonus Payments
    Malaking reward ang nag-aabang para sa mga productive na Mystery Shoppers!
  • Flexible work schedule
    Flexible work schedule
    Hawak mo ang oras mo, walang required working hours per day!

Kailangan lang ikaw ay

May sapat na requirements

1 Valid ID at any audio recording device.

Willing mag-travel sa multiple locations

Kayang pumunta sa mga Home Credit partner shops sa loob at labas ng city o province.

Marunong makipag-usap at mag-observe

Kumausap ng Home Credit sales agent at mag submit ng evaluation report.

Frequently Asked Questions

Ang Mystery Shopper ay mga tao na inatasang pumunta sa iba't ibang lugar na may pangunahing layunin na magpanggap bilang normal na customer ni Home Credit, mag-apply ng loan, at mag submit ng reports. Sila ay dumadaan muna sa isang pagsasanay na tinatalakay ang mga processes ni Home Credit at ng Mystery Shopping upang magampanan nila ng mabuti ang kanilang mga tungkulin.

Ang mga responsibilidad ng isang Mystery Shopper ay ang mga sumusunod:

1. Pumunta sa i-aasign na target Home Credit POS.
2. Mag-apply ng Home Credit loan para sa kahit anong produkto.
3. Gawin ang assigned scenario habang pinoprocess ng sales agent ang loan.
4. I-record mula simula hanggang katapusan ang conversation kasama ang sales agent.
5. I-take note ang mga kilos ng sales agent at iba pang mga na-obserbahan sa loob ng POS.
6. Magpasa ng mga reports sa bawat visit na gagawin.

Baliktarin ang bawat imahe sa ibaba para mas maunawaan ang mga target na dapat ma-achieve bilang isang Mystery Shopper.

- Tuloy-tuloy na pakikilahok sa mga deployment visits na ibibigay.
- Kumpletong pagpapasa ng evaluation at recording file para sa bawat visit na gagawin.
- Pagbibigay ng de-kalidad na mga reports.


Experience and Skills (Desired)
- At least High School graduate
- Willing ma-assign sa mga tasks na gagawin sa iba't ibang lokasyon sa loob ng province o city ng kinabibilangan
- Marunong gumamit ng online apps para sa araw-araw na pagsubmit reports
- May kakayahan na gumawa ng maikling salaysay tungkol sa karanasan sa bawat visit na gagawin

Personal Characteristics (Desired)
- Maasahan at may integridad at commitment sa trabaho
- Mabilis matuto at marunong makasunod sa mga alituntunin
- Magaling sa pagpapanggap, pakikipag-usap at sa pangungumbinsi
- Matalas na memorya para i-take note ang mga na obserbahan at narasanan

Improve Your Home Credit Experience

This website uses cookies to ensure you get the best experience. No personal data is tracked or used. By continuing to browse our website, you agree to the use of cookies as indicated in our Privacy Notice.

Chat with us